Thursday 30 January 2020

Ang Pag-ibig.

                                     PAG-IBIG

       Ang salitang pag-ibig ay napakaraming kkahulugan.Pero ano nga ba talaga ang "pag-ibig" para sa mga kabataan ngayon kasalukuyan. Maraming kabataan na nagsasabi na ang pag-ibig raw ay isang laro may nananalo at may natatalo, larong hindi natin kayang bitawan at larong hindi natin inaasahan. Ang nakatatak sa isip ng mga kqbataan sa ngayon ay ang pag-ibig ay pagmamahalan ng mga magkasintahan, pagmamahal sa isang taong hindi ka naman mahal. Iyong tipong lahat gagawin mo para lang hindi mawala sayo yung taong pinakaiingatan mo. Ngunit kahit gaano ka pa kaingat para lang sa taong mahal mo hindi parin maiiwasan iyong pagsubok sa relasyon niyo. Sa pag-ibig kailangan mong magsakripisyo. Kailangan mong masaktan pero dito ka rin matututo. Pero habang tumatagal maiisip mo na ang pag-ibig ay hindi lamg para sa isang tao kundi para ito sa lahat . Pero para sa labataan na kagaya ko, huwag kang magmadali, dahil ang pag-ibig ay hindi naman isang karera. Matutu munang mahalin ang sarili bago ang iba. At huwag mong iisipin na nag-iisa ka, dahil ang pag-ibig ay para sa lahat, hindi mo lang nakikita pero ito'y nararamdaman mo.